Advertisers

Advertisers

2 nasawi sa sunog sa Intramuros, Manila

0 17

Advertisers

KINUMPIRMA ng ilang kagawad ng mga nasunugang residente sa Intramuros, Maynila na dalawang babaeng senior ang nasawi sa sunog nitong Miyerkules.
Ayon kay Barangay Kagawad Genie Aglinao at Antonio Villero, natabunan ng nasunog na bahay ang isang senior, habang ang isa ay nahirapang huminga habang nasusunog ang mga kabaha-yan.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog sa Cabildo Street na nagsimula 5:00 ng hapon.
Isang bagong laya sa kulungan ang suspek na dahilan ng sunog. Hawak na ito ng Manila Police District (MPD).
Samantala, 532 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center at nitong Huwebes ng hapon binisita sila ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza.
Ayon kay Director Jay Reyes Dela Fuente ng Manila Department of Social Welfare, pinagkalooban ng sleeping kit ang mga nasunugang pamilya at iba nilang pangangailangan tulad ng pagkain at inuming tubig.
Bukod pa rito sa pangako ng alkalde na mabibigyan ng P15 libo ang bawat pamilyamg nawalan ng tirahan.(Jocelyn Domenden)