Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
MULING mapapanood si Angelika Santiago sa isang TV series sa Kapuso network, titled “Born to Shine.”
Isa siya sa cast ng naturang serye na tinatampukan nina Zephanie Dimaranan, Michael Sager, Manilyn Reyes, Vina Morales, Smokey Manaloto, Tina Paner, at si Roselle Nava po. Naya Ambi, Mitzi Josh, Olive May, Gaea Misch, Miggs Cuaderno, at iba pa.
Aminado si Angelika na ibang klaseng saya ang naramdaman niya nang maging bahagi ng TV series na ito.
Aniya, “Yes po, super-happy ako since eto po yung first serye ko after signing with GMA po.”
Si Angelika ay naging Sparkle artist last year.
Nabanggit din ng dalaga ang role niya rito, “I’m Rami Chavez po. Bale. part po ako rito ng Girl Group called Nixi sa Born to Shine.”
Puspusan na rin daw sila ng promo ng Born to Shine pati sa mga mall show, dahil malapit na itong umere.
Kuwento pa sa amin ni Angelika, “Opo, actually lagi po kaming nagpo-promote ngayon since malapit na po ipalabas ang show namin.”
Enjoy ba siyang sumabak sa mall show? Bale, rito ay nagkakaroon siya ng chance makipag-interact sa fans?
“Yes po. I love naman po what I’m doing tito, ” nakangiting wika niya.
“Yes po, actually super-grateful ko po na nag-e-effort po talaga sila para makita ako. Super naa-appreciate ko po sila. Kaya po gusto ko sulit po talaga ang mga punta nila sa mga shows ko,” masayang dagdag pa ni Angelika patungkol sa kanyang mga supportive na fans.
Ano pang wish niyang pagka-abalahan ngayong 2026?
Esplika ni Angelika, “Wish ko po talaga ngayong 2026, siyempre po maging consistent sa ginagawa ko. At ma-enjoy lang po talaga yung work ko, hehehe. Mga simple wishes lang po this 2026.”
Kamustang katrabaho ang co-actors niya, lalo na yung tulad niyang bagets?
“Siyempre po, super-easy to work with po sila. Mabilis po ang mga eksena namin dito and super-chill po nilang lahat. Mabait po silang lahat, hehehe,” nakangiting sambit pa niya.
Mula sa pamamahala ni Direk Rod Marmol, magsisimula nang umere ang Born to Shine sa darating na March 23. Isa itong drama musical series na na mapapanood sa GMA Network’s Afternoon Prime line up.