Advertisers
Ni Anne Venancio
Walang pinagsisihan ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang mga naging karelasyon sa kabila ng tatlong beses na pagkabigo sa pag-ibig.
Sa isang panayam sa ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga, aminado si Ai Ai delas Alas na pangarap pa rin niyang magkaroon ng katuwang sa buhay sa kanyang pagtanda, ngunit mas pinipili na niyang ipaubaya sa Diyos ang direksyon ng kanyang personal na buhay.
Ayon kay Aiai, sa mga pagkakataong siya ang nasusunod noon, natutunan niyang mas mahalagang pakinggan ang plano ng Diyos kaysa sundin ang sariling kagustuhan.
Aminado si Ai Ai delas Alas na wala siyang pagsisisi sa kanyang mga naging karelasyon, dahil kusa at buong puso niyang pinili ang mga ito.
“Wala kasi ginusto ko ‘yun e. Ginusto ko ‘yun, at nagsama naman kami nang matagal. Kaya wala, lessons na lang ang natutunan,” giit pa nito.
Ipinagpapasalamat nalang daw ng aktres ang pagkakaroon ng mabait na manugang mula sa kanyang anak na babae.
Samantala, legal nang napawalang bisa ang kasal ni Ai Ai delas Alas sa dating mister na si Gerald Sibayan noong Marso 9, 2026, matapos ang pitong taong pagsasama bilang mag-asawa.