Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Nakakaloka ang mga delulung kafaneyan na ipinipetisyon na tsugihin ang karakter ni Will Ashley sa bagong seryeng tampok din ang kanyang PBB Celebrity Collab housemates.
Ayon sa kibitzers, maganda raw kasi ang feedback na natatanggap ng performance ni Will kaya intimidated daw umano ang ibang kafaneyan para sa kanilang minamanok.
Ito naman ang reaksyon ng mga tsismosang kapitbahay nang mapag-usapan ang nasabing isyu sa isang umpukan.
“Bakit feeling ko inis sila dahil ang daming screentime ni Will sa H88”
“they wanted Will Ashley gone in Hotel88 just because ‘some’ of Will Ashley’s fans criticized other actors’ acting skills in Hotel88.”
“Bilang nalang nga sa limang daliri nalang yung marunong umarte sa Hotel88, babawasan mo pa ng isa”
“Si will ashley n nga maayos umacting sa kanila. Aalisin pa.”
“Grabe naman kasi si Will, sinasapawan ang kanyang co-actors.”
“Nahahalatang threatened masyado kay Will Sabagay lalo na’t daming praises na narereceive ni Will sa performance niya sa Hotel88”
“Natural na malaki ang exposure ni Will dahil pivotal iyong role niya sa serye.”
“True naman talaga na sa batch nila ay si Will ang pinakamagaling umarte.”
“Iyong iba, walang binatbat sa galing ni Will.”