Advertisers

Advertisers

PRESYONG KAYTAAS SAHOD NA KAYBABA

0 2,513

Advertisers

HINDI dininig ang mga nagsasabugang mga balang pandigma na gamit ng magkabilang panig na sumuong sa digmaang Gitnang Silangan. Samantala, dama ang takot ng mga kamag-anakan ng mga mahal sa buhay na naghahanapbuhay sa banggit na lugar. Sa ilang nakabalik na kababayan, nabatid na maraming OFW sa banggit na lugar ang ibig bumalik o makauwi ng bansa dahil sa takot na malasin subalit ‘di magawa sa paglilimita ng biyaheng panghimpapawid sa banggit na lugar sa pag-iwas sa ‘di inaasahang kaganapan. At may kabigatan ang pagbibiyahe sa sasakyang panlupa tungo sa ibang panig ng Gitnang Silangan higit kung marami ang bilang ng tatawid na mga sasakyan na magdadala ng mga ibig umalis sa takot na maligawan ng anumang bala o armas na makakapahamak sa mga Pinoy na naiipit sa digmaan.

Sa totoo lang, ‘di lang mahirap ang paglalabas ng mga taong naipit sa digmaan sa Gitnang Silangan ang usapin ng mga bansa, nahihirapan ang maraming sasakyan sa paglabas ng mga produktong petrolyo higit sa mga daanan ng mga sasakyang pandagat na nagdadala ng banggit na produkto  sa iba’t – ibang bahagi ng mundo, maging sa bansa. Ang hirap na paglalabas ng mga nagdadala ng produktong petrolyo mula sa banggit na lugar ang silip na dahilan sa kakulangan sa pantustos na petrolyo na gamit ng mga bansa sa paggawa ng ibang produkto. Sa pagbaba ng pantustos na petrolyo ‘di maiwasan ang pagbaba ng produksyon ng ibang produkto na nangangailangan ng banggit na produkto na karaniwang kailangan sa araw -araw. At dahilan sa pagtaas na presyo ng bilihin sa bansa, nakakadena sa halaga ng petrolyo.

Sa kalagayang pandaigdigang ang dahilan na ‘di maiiwasan ng pagtaas ng ibang presyo ng mga bilihin. At sa pag-aangkop ng bansa sa nagaganap sa ibang bahagi ng mundo, naganap ang unang pagsubok sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Hindi kakarampot ang pagtaas ng presyo ng petrolyo na higit na nagpahirap sa mga tao sa laylayan na tatlong kahig at walang tuka.

Hindi makahulagpos ang tao sa laylayan na tulad ng banggit sa itaas sa paggalaw ng tanikalang petrolyo, dagling sumunod pagtaas ng presyo ang maraming bilihin na ‘di makayanan ni Mang Juan. At nasisilip na ‘di magtatagal dadami ang taong lalabas sa kakalsadahan upang kalampagin ang pamahalaan na gumalaw ng maibsan ang pagtaas ng presyo sa pamilihan.  Sa totoo lang, ‘di makita ang kilos ng pamahalaan na pigilin ang labis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang paglalakbay sa ibang bansa ng mga taong gobyerno ang larawan na katotohanan na ‘di ang tao sa laylayan ang pangunahing dahilan ng pagsisilbi sa pamahalaan. Sa kasalukuyan na ‘di magkanda ugaga si Mang Juan sa taas ng presyo naroon sa malayong lupain ang lider ng bansa higit ang ehekutibo at naliligayahan sa lamig ng klima at hindi usapin ang gamit na salapi na     pasan – pasan ni Mang Juan.  Sa kabilang banda, silip ang bangayan ng mga kinatawang bayan sa pataasan ng ihi kung sino ang magaling. At walang pahayag kung paano maiibsan ang kalagayan ng tao sa laylayan sa kaytaas na presyo ng mga bilihin. Ang masakit, mataas ang presyo ng mga bilihin subalit walang perang pambili si Mang Juan habang ang mga opisyal ng bayan kampante sa malayong lupain at pansarili ang galawan. Sa totoo lang, walang malasakit ang liderato ng bansa sa kinakaharap ni Mang Juan na kahirapan.

Sa totoo lang, ang katahimikan ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang ‘di pinutol na paglilibot sa Estados Unidos ang larawan ng uri ng liderato sa bansa. Hindi alintana ng pamahalaan higit ng pangulo ang pinapasan ng taong bayan na bigat sa balikat sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Ilang araw na nakalugmok ang maraming tao sa laylayan na ‘di malaman kung saan kukuha ng pantustos upang mabuhay ang pamilya sa taas o bigat ng halaga ng bilihin.

Magbalikan na sa bansa kayong mga opisyal ng pamahalaan at harapin ang usapin ni Mang Juan at maglatag ng programang sasagot sa pasanin sa kasalukuyan. Sa pag-iikot sa mga pamayanan, napansin ang pagdami ng mga nagbabahay-bahay upang manghingi ng barya upang makabili ng maisasaing o makakain.  Hindi tinutularan ang galaw ng puno ng bansa na tila nagmamakaawa sa puno ng EU upang makausap. Nag-iikot ang tao sa laylayan upang makapanglimos nang may makain sa pag-uwi sa mga tahanan.

Sa kawalan ng tumitimon sa bansa, ‘di makita na magkakaroon ng lugar na makahinga si Mang Juan dahil sa nakaambang pagtaas ng presyo ng tanikalang bayan, ang petrolyo. Samantala, walang pagkilos ang pamahalaan na ibsan ang pasanin ng bayan higit ng mga manggagawa na kinain ang sahod sa taas ng presyo ng bilihin. Wasak na ang sinturon ni Mang Juan sa pagpigil sa kumakalam na tiyan at damay maging ang anak na sumasala na sa oras ng pagkain ‘dahil sa kakarampot na inuuwi sa pamilya.

Samantala, asahan na hihingi ng umento ang mga manggagawa ng makasabay sa tumataas na presyo ng bilihin. Sa paghingi ng mga manggagawa sa pagtaas ng sahod, aasahan na magtetengang kawali ang mga negosyante at mga opisyal ng bayan. At sa huli, magkakaroon kakarampot na umento na ‘di  sapat upang matapatan ang halaga ng mataas na bilihin.   

Sa pagtatapat ng presyo ng bilihin at sahod ng manggagawa, umaasa na ‘di sasapat ang umento sa sahod sa taas ng halaga ng bilihin. Ang malakas na kabuhayan na nakasentro sa iilan ang usapin na kinakalakal ng pamahalaan ‘di pa usapin ang mga nakawan na naganap at nagaganap na pinikitan ng mata ng puno ng pamahalaan. Sa totoo lang, sa kung tunay na may malasakit si Jun Singhot sa tao sa laylayan, huwag hayaan na lumayo ang presyo ng bilihin sa sahod ng mangagawa na ‘di na nakukuhang makakain ng tatlong beses sa maghapon. Ipadama sa manggagawa ang malasakit na sa presyong kaytaas ipaglalaban na sasapat ang umentong sahod na itatakda. At kasaysayan na presyong kaytaas at sahod na kaybaba.

Maraming salamat po!!!!