Advertisers

Advertisers

Karnaper arestado sa Malabon

0 13

Advertisers

NAARESTO ng mga tauhan ng Sub-Station 5 Malabon City Police Station sa pamumuno ni PCol. Allan B Umipig, chief of police ng MCPS ang isang lalaki nang tangayin ang isang motorsiklo sa Brgy. Tonsuya, Malabon City noong Biyernes, March 13, 2026.
Sa isinumiteng ulat kay Northern Police District PBGen Christopher Dela Cruz , agad na rumesponde ang mga operatiba ng Sub-Station 5 nang lumapit ang isang complainant at i-report na ninakaw ang kanyang motorsiklo.
Sa pagpapatrolya sa lugar, namataan ng mga pulis ang suspek na sakay ng nasabing motorsiklo na nagresulta sa kanyang agarang pagkakaaresto.
Nabawi mula sa suspek ang isang motorsiklo na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng nagreklamong biktima.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law.(Beth Samson)