Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad, 2 Tanod timbog sa gunrunning

0 99

Advertisers

HULI sa akto ang tatlong kalalakihan kabilang ang isang kasalukuyang barangay kagawad at dalawang barangay tanod, sa pagbebenta ng iligal na baril sa ikinasang buy-bust entrapment operation sa San Juan, Batangas.
Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr., isinagawa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas Provincial Field Unit at ng San Juan Municipal Police Station. Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong kalibre .45 na baril habang may isa pang baril na narekober mula sa isa sa mga suspek.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at inaalam na rin ng pulisya kung may kaugnayan ang mga suspek sa gunrunning activities sa lugar.(Koi Laura)