Advertisers

Advertisers

KAWALAN NG PNP REGION 4A, DANGAL NG MIMAROPA

0 1,178

Advertisers

MABIBILANG sa daliri ang tulad ni Major Aldrin Vivas Atienza, isang huwaran, tapat at responsableng police official, mabuting anak, kapatid at kaibigan sa kabuuan.

Si Aldrin ay namulat sa hirap ng buhay. Ang ama niya ay isang marangal na pedicab driver at ang ina ay masipag na labandera. Bilang panganay sa apat na magkakapatid ay namamasada din ng pedicab si Aldrin tuwing weekend at kapag walang pasok sa paaraalan noong high school pa lamang.

PMaj. Aldrin V. Atienza Acting Deputy Force Commander RMFB, MIMAROPA

Minsan lang natin sandaling nakadaupang palad at nakapanayam si Atienza sa kanyang tanggapan sa Ibaan Police Headquarter ilang taon na ang nakaraan ng nanunungkulan pa itong hepe ng bayan ng Ibaan Police Office noon.

Kilalang maayos sa kanyang pakikisalamuha sa mga mamamayan si Atienza, accommodating din ito sa mga miyembro ng media at kahit pa abala sa kanyang gawain ay masigla niyang hinarap ang inyong lingkod ng samahan sa kanyang tanggapan ang isang kaibigan na nangangailangan ng police assistance.

Mahihinuha sa kilos at galaw ni Major Atienza ang pagiging edukado at di pangkaraniwang pinuno, hindi nito kailangan pa ang malakas at matitigas na salita sa sandali ng troop deployment upang ipabatid sa kanyang mga tauhan ang mga atas at direktiba ng mataas na pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at ng iba pang concerned government official.

Nasa kanya ang decorum ng isang natatanging police official na pinanday ng panahon sa Philippine National Police Academy (PNPA). Nabatid ng SIKRETA na isa itong miyembro ng PNP Masaligan Class 2011 at bilang bagong graduate ng police academy ay naitalaga ito sa iba’t ibang sensitibong posisyon. Marami na ding nakamit na parangal at pagkilala si Atienza sa kanyang panunungkulan bilang alagad ng batas, idagdag pa nakapagtapos ito ng kurso sa Abogasya.

Nauna itong naging police Chief sa Mansalay Oriental Mindoro at di naglaon ay nalipat sa Regional 4A PNP Office. Kasunod nito ay naitalaga siya sa Batangas PNP Provincial Police Office.

Naging police chief din si Atienza sa mga bayan ng San Jose, Mataas na Kahoy, Lemery at Deputy Chief ng Lipa City Police Office. Habang abala at nakatutok sa kanyang trabaho bilang alagad ng batas ay ipinagpatuloy pa din ni Atienza ang pag-aaral sa gabi sa College of Law.

Isa si Atienza sa 4,000 na pinalad na pumasa sa halos ay 12,000 kumuha ng pagsusulit noong September 2025 Bar Examinations. Ngunit bago pa man lumabas ang resulta ng Bar Examination ay nagkaroon na ng direktiba na ilipat si Atienza bilang Acting Deputy Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa MIMAROPA o Region 4B.

Bihira nang matagpuan at iilan na lamang ang isang tulad ni Atienza, isang police major na naging abogado dahil sa talino, sipag, tiyaga at determinasyon. Dangal ng MIMAROPA at kawalan ng PNP Region 4A si Atienza lalo na sa Batangas Provincial Police Office.

Ang tulad ni Atienza ay isa sa iilan na dapat gawing pamantayan ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. sa iba pa nitong mga PNP official at kabaro upang maitaas ang patuloy na pumapangit na imahe ng kapulisan.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144