Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Sa isang panayam, inamin ni Fyang Smith na ang love team partner niyang si JM Ibarra ang pins-close niya sa showbiz.
Katunayan , kapag daw may problema siya ay dito niya sinasabi.
Hirit pa niya, mas nakakaalam pa raw ito ng saloobin niya kesa sa kanyang magulang at mga kapatid.
Sa naturang tsikahan, naibahagi rin ng dalawa ang thrilling adventure nila sa pag-akyat sa Mt.Pulag.
Ayon sa JMFyang, pinag-usapan daw nila noon kung saan magbabaskasyon pagkatapos ng break sa kanilang shooting.
Naisip daw nila noon ang Thailand at iba pang tourist destinations pero dahil sa takot silang mabitin at namamahalan sa iba, pinili na lang daw nila ang umakyat ng bundok.
Sey pa ni JM, ito raw ang ikalawang pagkakataon na umakyat siya ng Mt.Pulag.
Sinita naman ni Fyang si JM kung sino ang kasama nitong mag-hike sa matarik na bundok noong una.
Puring-puri naman ni Fyang si JM dahil kinaya nitong dalhin ang maraming bote ng tubig na baon nila sa kanilang hike.
Dream destination naman ng magka-love team ang makapagbakasyon sa Japan sa susunod nilang getaway .
Sa naturang interview, tinanong din ang dalawa kung ano ang memorable gifts na natanggap nila sa isa’t-isa.
Ayon kay JM, hindi raw niya makakalimutan ang regalong DJI sa kanya ni Fyang.
Dati rati raw kasi ay wala siyang hilig sa ganoong klaseng gadgets pero sa ngayon daw ay hooked na siya rito dahil napapakinabangan na niya ito sa vlogging.
Sa kaso naman ni Fyang, trini-treasure raw niya ang infinity ring na ibinigay sa kanya ng love team partner.
Sina Fyang at JM ay malapit nang mapanood sa pelikulang “Almost Us.”