Advertisers

Advertisers

Miss Grand Int’l 2025 Emma Tiglao sinabihan ng waiter na ‘makapal ang mukha’

0 11

Advertisers

Ni Anne Venancio



Binahagi ni Emma Tiglao, Miss Grand International 2025, sa social media ang hindi magandang karanasan nila sa Crabs N Crack Seafood House, Infinity branch.

Ayon sa beauty queen, kasama niya ang pamilya sa tanghalian at inaasahan nilang matikman ang kanilang inorder na seafood meals, ngunit iba ang dumating kaysa sa kanilang pinili. “Instead of chili garlic, it came with two Cajun and one butter garlic,” paliwanag niya. Bagamat nagkamali ang staff at maayos nilang hinarap ang sitwasyon sa pamamagitan ng maliit na adjustment bilang pasalubong, bago sila umalis ay nakatanggap sila ng lantarang biro o pang-insulto mula sa waiter na, “ANG KAPAL NG MUKHA,” na labis na ikinagulat ni Tiglao.



Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng respeto sa lahat ng interaksyon. “I’m not someone who looks for conflict, but respect should never be optional,” ani Tiglao. Kinilala rin niya ang assistant manager na humingi ng paumanhin.

Matapos ang post, naglabas ng opisyal na pahayag ang Crabs N Crack, humihingi ng paumanhin at tiniyak na ang staff na sangkot ay pinangangasiwaan at muling sinasanay sa tamang serbisyo. Ayon sa management, layunin nilang panatilihin ang propesyonalismo, kabaitan, at respeto sa lahat ng customer.