Advertisers
Ni Anne Venancio
Muling nagsama sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa serye ng Amazon Prime Video na The Silent Noise.
Nauna nang nagtambal sina Angge at Zanjoe sa pelikulang Unmarry, na entry sa Metro Manila Film Festival noong 2025 kung saan tinanghal itong 2nd Best Picture.
Inamin ng aktres sa media conference ng The Silent Noise, na inalok sa kanya ang proyekto habang nagsisimula pa lamang siyang i-promote ang Unmarry.
Ani Angge, na-hook agad siya sa kuwento ng serye pero humiling umano siya ng malinaw na timeline ng produksyon. Malaking challenge aniya ang pag-aaral ng Filipino Sign Language (FSL).
Aminado naman si Zanjoe na mas maingat na niyang pinipili ang mga proyektong tinatanggap at isinasaalang-alang ang lokasyon ng shooting at ang lalim ng karakter na kanyang gagampanan.
Nakorner naman ang aktor nang hingan ito ng reaksyon tungkol sa nakatakdang kasal ng kanyang ex-gf na si Bea Alonzo kay Vincent Co matapos itong i-announce sa marriage banns.
Pabirong sagot ng aktor, “Totoo ba? Wala akong imbitasyon.”
Dagdag pa niya, “Yes, of course, I’m very happy for her. Finally, ‘di ba! Lahat tayo kailangang maging masaya sa mga batch namin. At least ito, unti-unti na kaming nabubuo.”
Happily married na nga si Z kay Ria Atayde at may isa na silang anak.
Kabilang din sa cast ng The Silent Noise sina Zaijan Jaranilla, Mutya Orquia, KD Omalin, Joem Bascon, at Mylene Dizon. Mapapanood ang serye sa Prime Video simula Marso 20.