Advertisers

Advertisers

P5-K fuel subsidy sa mga magsasaka ipamamahagi na ng DA

0 12

Advertisers

NAKATAKDA nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang P5,000 fuel subsidy sa mga magsasaka upang matulungan silang makayanan ang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East.

Ito ay matapos makakuha ng P50-milyong pondo ang DA, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Nakalaan ito para sa humigit-kumulang 9,570 magsasakang gumagamit ng makinarya, batay sa datos ng Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (BAFE) ng DA.



Tanging ang mga nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ang makatatanggap ng ayuda.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">