Advertisers

Advertisers

Dapat talaga ma-impeach si Garcia

0 21

Advertisers

DALAWANG abogado ang nagsampa ng impeachment complaint laban kay Commission on Election (Comelec) chairman George Garcia at sa anim na komisyoner nito kaugnay ng umano’y iregularidad sa automated elections at pag-absuelto kina Senador Chiz Escudero at Sen. Rodante Marcoleta kahit na may malinaw na batayan ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Ang mga nagsampa ng reklamo ay sina Atty. Marvin Aceron at Atty. Sikini Labastilla ng Project Damaskus Lawyers.

Maliban kay Garcia, ang anim pang respondents ay sina Commissioners Nelson Celis, Ernesto Ferdinand Maceda, Aimee Ferolino-Ampoloquio, Rey Bulay, Maria Norina Tangaro-Casingal, at Noli Pipo.

Ang apat na charges laban sa naturang Comelec officials ay: Culpable violation of the law, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.

Partikular na tinukoy sa 4th charge ang umano’y selective campaign finance enforcement matapos na pawalangsala ng poll body ng Political Finance and Affairs Department si Escudero sa pagtanggap nito ng P30 million donation mula sa isang kontraktor, at si Marcoleta na hindi nagdeklara ng P75 million na campaign contributions.

Hindi ako abogado, pero malinaw naman talagang may nilabag sa election laws ang dalawang senador, na kung ibang tao lang siguro ang nakagawa ng katulad na paglabag ay malamang disqualified agad.

Obkors todo tanggi si Garcia sa charges laban sa kanya. Wala raw siyang ginawang mali sa pag-absuelto kina Escudero at Marcoleta.

Ginagawa tayong bobo ni Garcia. Dapat na siyang mapatalsik sa Comelec. Now na!

***

‘Wag nang mag-panic sa oil crisis.

Inanunsyo ni Department of Energy (DoE) Secretary Sharon Garin na mayroong 1.042 million barrels (165.7m liters) ng petrolyo na “ordered and confirmed” ang ahensiya at PNOC EC na darating ngayong Abril. Ito ay galing sa Malaysia, Singapore, India at Oman.

Nitong mga nagdaang araw ay may mga dumating nating suplay galing sa Japan at Russia.

Posible sa sunod na linggo ay unti-unti nang babalik sa normal ang presyo ng produktong petrolyo. Let’s pray for that!!!

***

Ibinasura ng Korte Suprema ang petition ng dating presidential spokseman ni ex-President Rody Duterte na si Harry Roque na pigilan ang House of Representatives sa pagpaaresto sa kanya at pag-require na dumalo sa mga pagdinig sa illegal POGOs sa Pampanga at Tarlac.

Si Roque ay kasalukuyang nagtatago sa Austria, matapos siyang palayasin sa Netherlands.

Kamakailan ay sinampahan din siya ng reklamong ‘lang grabbing’ ng mga magsasaka sa Bataan.

Kina-karma na si Roque sa mga pananamantala niya noong nasa kapangyarihan sila ni Digong. Weder weder lang yan!

***

Ipinagsisigawan ni Senador Robinhood Padilla ang nakalap niyang 300,000 na pirma para palayain daw si ex-President Rody Duterte na nakakulong sa International Criminal Court facility sa The Hague, Netherlands.

Saksakan ng kabobohan ang DDS senator na ito. Kahit ilang maletang pirma pa ay never mapapalaya si Digong sa The Hague? Makalalaya lang siya pag naabsuelto sa Crimes against humanity. At yan ay suntok sa buwan!