Advertisers

Advertisers

SOBERENYA, “SOLUSYON” SA KRISIS

0 6,460

Advertisers

AYON sa gobyerno, partikular na sa Department of Foreign Affairs at Department of Energy, nagawa nilang daanin sa “diplomasya” ang problema natin sa suplay ng langis matapos nilang makausap kamakailan ang Embahada ng Iran at mga lider nito “sa telepono.”

“Pumayag” (daw) ang Iran na ligtas na makadaaan sa ‘Strait of Hormuz’ ang mga oil tankers na papuntang Pilipinas. Bahagi ng teritoryo ng Iran ang Hormuz at dahil sa inilunsad na giyera ng ‘Tadong Unidos at Israel laban sa Iran noong huling araw ng Pebrero, nagdesisyon ang Islamic Republic na isara ito at huwag padaanin ang mga Kano at “mga kaalyado” nito.

Teka muna. “Sobrang kilala” tayo sa buong mundo bilang numero unong “tuta,” ehek, “kaalyado” ng Amerika at Israel kaya marami ang “tamang hinala” sa deklarasyon ng DFA/DOE na ‘safe’ dumaan sa Strait of Hormuz ang mga oil tankers na papuntang ‘Pinas.

Teka ulit. Wala tayong alam na mayroon tayong sariling ‘oil tankers’ kaya anong barko natin ang ligtas na dumaan sa Strait of Hormuz, aber?

Malaking dagdag sa ating mabigat na sitwasyon ngayon ay “inubos” ng gobyerno ang ating ‘goodwill’ sa ibang bansa para isulong ang interes ng Amerika.

Inaway natin ang China, dinedma natin ang Russia at tahimik tayo sa agresyon ng mga Kano at Israel sa Middle East at Iran sa “ogags” na paniwala na hindi tayo pababayaan ni Uncle Sam.

Nasaan ang mga Kano ngayon? Bakit “tayo” ang kailangang “gumawa ng paraan” para makasalba sa krisis na sila rin ang nagsimula?

‘World’s largest oil producer’ ang Amerika pero bakit kahit isang bariles ng krudo hindi tayo mabigyan ngayon?

Bakit din lahat ng mga galamay nito— Japan, South Korea, Australia, EU, etc., “kanya-kanyang diskarte” para maisalba ang kanilang mga mamamayan at ekonomiya?

Masahol siyempre ang sitwayon natin dahil bukod sa kayabangan ng ating mga opisyal, tayo ang pinakamahirap sa lahat.

Kailan ba tayo magigising sa katotohanan na tunay na soberenya ang solusyon sa kahit anong problema?