Advertisers
POSIBLENG umabot sa P200 ang kada litrong presyo ng diesel sa Pilipinas, ayon sa Department of Energy (DOE).
Gayunpaman, umaasa ang ahensiya na hindi ito mangyayari.
Paglilinaw ni Energy Sec. Sharon Garin na hindi pa rin malinaw sa kasalukuyan kung aabot sa ganitong sitwasyon ang oil prices sa bansa habang nagpapatuloy ang negosa-syon para sa tuluyan nang paghupa ng giyera sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Garin, hindi kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon sa kalaka-lan ng produktong petrolyo at paggalaw ng presyo nito mula sa pandaigdigang merkado hanggang sa local market.
Kung ibabase sa kasaysayan, hindi pa aniya umabot sa ganitong lebel ang presyo ng langis sa Pilipinas, ngunit dahil sa dikta ng global market, marami aniya ang posibleng mangyari sa kalakalan ng langis.
Hindi rin aniya agad bababa ang presyo ng langis sa local market kahit pa biglaang matapos ang giyera dahil sa permanenteng danyos na iniwan ng malawakang giyera sa petroleum industry ng buong mundo.
Noong Martes, April 7 ay ipinatupad na ng petroleum companies ang ikalimang double-digit price hike sa mga produktong langis, dahilan upang lumobo ang price range ng diesel mula P130 hanggang P170 kada litro.