Advertisers

Advertisers

VP SARA, UMALMA SA PARATANG NI MADRIAGA: UNANG TAKE SA BAR, PASADO AGAD

0 4

Advertisers

Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang alegasyong kailangan umano niya ng tulong upang makapagtapos ng law school, kasunod ng mga pahayag na lumabas sa pagdinig ng House Committee on Justice.

Sa kanyang opisyal na statement, iginiit ng Bise Presidente na natapos niya ang kanyang pag-aaral sa San Sebastian College-Recoletos College of Law nang walang anumang espesyal na accommodation.

“I completed my studies on my own terms… I never asked any professor for special accommodation for my grades.”

Dagdag pa niya, nagtapos siya noong May 2005 at pumasa sa Bar examinations sa parehong taon sa unang take.

“I passed the Bar on my first attempt with a GWA of 80.”

Binatikos din ni VP Sara ang testimonya ni Ramil Madriaga, na aniya’y walang basehan at puro kasinungalingan.

Kasabay nito, kinuwestiyon din niya ang naging takbo ng pagdinig sa Kamara.

“This mini-trial in the Committee on Justice is true to form for some of its members: abuse and corruption appear to be the only things they are capable of.”

Dagdag pa ng Bise Presidente, ang umano’y kakulangan ng ayuda sa gitna ng krisis sa presyo ay hindi dahil sa kakulangan ng pondo kundi dahil umano sa paggamit ng public funds para sa political maneuvering.

Ang pahayag ni VP Sara ay inilabas kasunod ng nagpapatuloy na impeachment proceedings laban sa kanya sa House Committee on Justice.

DATING OMBUDSMAN MARTIRES : “KUNG CLOSE KAMI NI FPRRD BAKIT DADAAN PA KAY MADRIAGA

Samantala mariin namang itinanggi ni dating Ombudsman Samuel Martires ang alegasyon ni Ramil Madriaga na umano’y nakatanggap siya ng duffel bag na may laman na pera.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Martires na hindi totoo ang paratang at wala umano siyang natanggap na anumang halaga mula kina dating Pangulong Rodrigo Duterte o Vice President Sara Duterte.

Kinuwestiyon din niya ang lohika ng alegasyon.

“Why will also the VP send me money thru an insignificant person when she doesn’t know me personally?”

Dagdag pa niya, kung totoo mang may malapit siyang ugnayan kay dating Pangulong Duterte, mas madali umano itong maibibigay nang direkta at hindi na dadaan sa ibang tao.

“Why would the former President send me money through a nonentity when FPRRD can easily summon me so he can give me money?”

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o