MGA GAMBLING OPERATOR SA CALABARZON UMAATUNGAL NA SA LAKI HINIHINGING ‘GOODWILL’ NI SGT. SAGPAO ALYAS JORGE?
Advertisers
BIBIGYAN muna natin ng daan itong mga sumbong sa BALYADOR ng ilang gambling operator sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon o CALABARZON.
Ayon sa reklamo hindi na umano nila kaya ang hinihinging “goodwill” ni alyas Sgt. Joel Sagpao alyas Jorge para sa tanggapan ng Camp Vicente Lim tulad ng CIDG-RFU4A at R2 bilang proteksyon.
Ang tanong alam kaya ito ni PRO4A Regional Director PBGen Hansel Marantan at CIDG-RFU4A Regional Commander PCol. Ganaban Ali na kinakaladkad sa pangingikil ang kanilang tanggapan?
Saganang akin Kung ilegal bakit hindi nyo hulihin bakit kailangan KOTONGAN?
Sinabi ng ilang gambling operator via text message na ayaw magpakilala bilang protekteksyon na rin umano sa kanila na hindi lamang ang CIDG-RFU4A at R2 ang ipinangongolekta ni Sgt.Sagpao alyas Jorge kundi maging ang isang opisyal ng Regional Special Operation Group o RSOG ang walang kamalay-malay na unit ng PNP sa CALABARZON. Tsk. Tsk. Tsk….
Sinabi rin ng mga texter ng mga nagpakilalang gambling operator, kontrolado at kapado umano ni Sgt. Sagpao alyas Jorge ang mga salot na sugal sa limang probinsya Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon maging ang mga kilalang bigtime na gambling operator na nakiusap na huwag silang pangalanan.
Dagdag pa nila na bukod sa daang libong pisong “goodwill” may “weekly PAYOLA” pa na kinokolekta si Sgt Sagpao alyas Jorge gamit ang kawawang mga opisyal ng Police Regional Office 4A CALABARZON.
Ipinagmamalaki ni Sgt Sagpao alyas Jorge sa mga gambling operator na kahit magpalit ng magpalit ng CIDG Director at CALABARZON PNP Regional Director ay sya pa rin ang mangongolekta ng PAYOLA.
Anong say nyo dito CIDG Director Police Major Gen. Robert Alexander Morico at Gen. Hansel Marantan Sir!
Kaugnay ng reklamo nanindigan din ang mga kilala at bigtime na gambling operators na hindi nila ititigil ang kanilang iligal na operasyon hangga’t hindi rin nila nababawi sa mga parukyano nilang sugarol at adik na mananaya ang P200k hanggang P300k na kino-kolekta umano sa kanila ni Sgt Sagpao alyas Jorge bilang “goodwill” bukod pa ang mga “weekly payola” na sinasabing centralized para sa ilang korap na opisyales ng Philippine National Police (PNP).
Susmaryosep, totoo kaya ito?
May follow up, ABANGAN!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com