Advertisers
AABOT sa 30 katao ang naaresto sa iligal na opera-syon ng online sabong sa Ta-lisay City, Negros Occidental.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), isinagawa ang pagbuwag sa operasyon sa isang private property sa Barangay Concepcion araw ng Huwebes, Abril 23.
Nasamsam ng mga awtoridad ang mga gamit sa live streaming at komunikasyon, gayundin ang mga panabong na manok.
Sinabi naman ni Talisay City Mayor Rowena Lizares na aabot sa 280 manok ang nakumpiska na may kaugna-yan sa serye ng pagnanakaw ng mga panabong sa lungsod.
Inihayag din ng alkalde na kabilang si Atong Ang sa mga naiulat na financier ng ilegal na online sabong.
Samantala, sinabi ng pulisya na dalawang indibidwal ang nasagip sa operasyon at isang minor din ang isinailalim sa proper care and protection.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda ang mga kasong kri-minal laban sa mga suspek, ayon pa sa PNP.