Advertisers
INIREREKLAMO ang isang SK chairman sa Maynila ng kanyang kasintahan dahil sa paulit-ulit na pananakit.
Ang biktima ay 24-anyos na model/talent na dalawang buwan buntis, habang ang kanyang inirereklamo ay ang 25-anyos niyang boyfriend na SK chairman.
Dalawang taon na ang relasyon ng dalawa at nagsimula umano ang pananakit ng lalaki noong humantong sila sa kanilang ika-walong buwan.
Naganap ang pinakahu-ling insidente ng pananakit nito lamang Biyernes, April 24.
Ayon sa babae, nag-ugat ang pananakit nang magselos ang SK chairman nang tumawag ang kanyang kaibi-gan sa gitna ng kanilang ku-litan.
“Bigla nalang po niya akong sinampal tapos ginanon-ganon niya ako ng p@#yu sa mukha. Lumaban po ako sa kanya, nilabanan ko po siya. Pinapatulan niya po ako. Tinatadyakan nya po ako, hinahagis nya ako kahit alam nyang buntis ako. Binabalibag niya ako,” sabi ng babae.
Isa lang anya ito sa serye ng pananakit ng kanyang boyfriend na tiniis niya dahil gusto niyang magkaroon ng buong pamilya para sa bata.
“Buntis po ako, responsibi-lidad niya na samahan ako, pero para lang samahan niya ako gusto niya pa-tattoo-an ko po siya. Eh di ginawa ko po kasi gusto ko siya makasama,” kwento ng babae.
Sa ulat, may mga sugat din sa katawan ang SK chairman dahil sinaktan din umano siya ng kanyang kasintahan.
Sinira rin anya ng kanyang girlfriend ang kanyang motorsiklo nang magtalo sila.
Aminado ang babae sa akusasyon sa kanya ng boypren, sinabing self-defense ang kanyang ginawa.
“Opo sa sobrang sama po kasi ng loob ko pati nanay ko sinasagot na niya po,” buwelta ng babae.
Ilang beses na ring nakapag-blotter sa barangay ang babae laban sa boypren pero hindi ito tinutuluyang kasuhan.