Advertisers
INATASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pag-isyu ng Letters of Authority (LOAs) upang magsagawa ng tax audits kay Vice President Sara Z. Duterte, ang kanyang asawa na si Manases R. Carpio, at siyam na negosyo na konektado sa mag-asawa.
Pahayag ng BIR, ang hakbang na ito ay bunga ng kanilang masusing pagsusuri na may probable cause upang magsagawa ng pormal na audit investigation sa mga nabanggit na taxpayers. Ang mga revenue officers na itatalaga sa bawat kaso ay bibigyan ng kapangyarihan na suriin ang mga libro ng accounts at iba pang accounting records ng mga subject entities.
Batay sa BIR, ang kautusan para sa LOAs ay nakasalig sa third-party information, kabilang ang mga datos mula sa public at official sources, alinsunod sa Section 5 ng National Internal Revenue Code (NIRC).
Isinasaalang-alang din ng Bureau ang testimonya mula sa Office of the Ombudsman kaugnay ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ni VP Duterte, pati na rin ang mga ulat mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) na inilabas sa impeachment proceedings ng House of Representatives laban sa Bise Presidente.
Mga negosyong sasailalim sa audit:
1. Carpio Lawyers (dating Carpio & Duterte Lawyers)
2. Zelta Matiem Salon
3. City Hall King Chow Foods Corporation
4. Davao Bounty Times Foods Corporation
5. Madayaw Fisheries Inc.
6. Davao Emerging Taipans Corporation
7. Amianan Shores, Inc.
8. Cale88 Foods Corporation
9. Geometry Security and Investigation Agency, Inc.