Advertisers

Advertisers

Dalagita pinabili ng alak bangkay nang matagpuan

0 4

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang 13-anyos na dalagita na inutusan lamang bumili ng alak at yelo sa isang tubuhan sa Candoni, sa Negros Occidental.
Ayon sa ulat, nakita ang bangkay ng dalagita sa Barangay West, Abril 27, dalawang araw matapos siyang huling makita noong Abril nang umalis upang bumili ng yelo at alak sa isang tindahan sa Barangay Haba.
Batay kay Captain Leonel Adoracion, hepe ng Candoni Municipal Police Station, ang biktima ay natagpuang nakahiga sa gitna ng tubuhan, nakasuot ng leggings at bahagyang nakataas ang kanyang damit, at may sugat sa noo.
Ang bangkay ay natagpuan sa layong humigit-kumulang tatlong kilometro mula sa kanilang bahay.