Advertisers
HINDI pinagbigyan ng Czech Republic ang hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makakuha ng karagdagang detalye sa pagkakaaresto at pagkawala sa kustodiya ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro, tumanggi ang chargé d’affaires ng Czech Republic na magbigay ng paliwanag at iginiit na saklaw ito ng kanilang mga batas.
Dahil sa kakulangan ng impormasyon, hiniling na lamang ng pangulo sa Czech Republic at France ang tulong para mapauwi si Co sa Pilipinas.
Nangako naman ang dalawang bansa na tutugon ayon sa kanilang legal na proseso.
Kinumpirma rin ng Czech side na naaresto at na-detain si Co dahil sa invalid travel documents.
Bago ito, ipinaabot na ng pangulo ang kanyang pagkadismaya, at tinawag na “very unsatisfactory” ang pagkawala ni Co habang nasa kustodiya ng Czech authorities. (Vanz Fernandez)