Advertisers

Advertisers

Mark Villar, Isinusulong ang Loan Relief; Tinututukan ang Suporta ng SSS at GSIS para sa mga Manggagawa

0 23

Advertisers

Sa gitna ng nararanasang hirap dulot ng krisis sa langis, isinusulong ni Senator Mark Villar na gawing institusyonal ang pagbibigay ng “financial breathing room” para sa mga manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 366 at ng panukalang “RELIEF Act” (Senate Bill No. 2032), nananawagan ang senador sa mga financial institutions ng gobyerno na magpatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng mga penalty.

Binigyang-diin ni Sen. Villar ang naging pag-unlad ng Government Service Insurance System (GSIS) sa paglalatag ng kanilang relief initiatives, ngunit humiling ito ng mas malalim na pagsusuri sa sustainability ng programa.

“Can GSIS update us on its Balik-Ginhawa program? Ilan na sa mga member ang nag-avail at ano ang naging epekto nito sa fund health ng GSIS?” tanong ni Villar sa ginanap na hearing.

Bilang tugon, ipinaliwanag ng GSIS na agad silang nagpatupad ng mga programa para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro. Sa kasalukuyan, may kabuuang P8.3 bilyon na ang naipamahagi sa mga kwalipikadong miyembro, na katumbas ng 1.085 (eligible) milyong loans.

Sa kabilang banda, nang tanungin tungkol sa kanilang mga crisis intervention programs, inihayag ng Social Security System (SSS) na pinapayagan na ang mga miyembro na mag-claim ng calamity loan bilang agarang tulong. Gayunpaman, hinimok ni Sen. Villar na gawing bahagi ang mga ganitong programa ng isang mas malawak at mas agresibong recovery framework.

Layunin ng panukalang RELIEF Act na palawigin ang mga tulong na ito sa pamamagitan ng grace period sa upa, loan restructuring, at access sa low-interest credit upang protektahan ang mga MSME—na itinuturing na pundasyon ng trabaho sa bansa.

Binigyang-diin sa naturang pagdinig na ang mga financial safeguards na ito ay dapat maging “proactive” sa halip na “reactive.” Sa pag-uutos sa mga ahensya tulad ng SSS, Pag-IBIG, Landbank, at DBP na magbigay ng mga concession, layon ni Senator Mark Villar na matiyak na ang mga serbisyong panlipunan ay mananatiling accessible at abot-kaya para sa lahat ng Pilipino.

“Kung kaya pa, sana dagdagan pa natin ang mga benefits para sa ating mga taxpaying workers…”