Advertisers

Advertisers

Manyakol na kawani ng gobyerno, kulong

0 35

Advertisers

Tinaguriang No.6 Most Wanted sa buong Rehiyon Dos ang isang kawaning gobyerno na nahaharap sa ibat ibang kasong kriminal na nahuli kahapon (Mayo3, 2026) sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.
Kinilala ang suspek sa alyas na Lucas, 31-anyos, may asawa, empleyado ng gobyerno at residente ng Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.
Nahaharap ito sa mga kaso kabilang ang dalawang (2) kasong rape, isang (1) sexual assault sa ilalim ng Article 266-A(2) kaugnay ng RA 7610 at isang (1) sexual assault sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 2 ng Revised Penal Code na epektibo sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ng hukuman.
Walang inirekomendang piyansa para sa kaso nitong rape at may halagang P200,000.00 ang piyansa para sa sexual assault sa ilalim ng Article 266-A(2) kaugnay ng RA 7610 at may Php120,000.00 para sa sexual assault sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 2 ng Revised Penal Code para sa kalayaan ng akusado.
Dinala ang akusado sa himpilan ng Pulisya para sa kaukulang dokyumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa korteng nagpalabas ng mga kaso nito.(Fidel Coloma)