Advertisers

Advertisers

TOP 2 MOST WANTED, TIMBOG SA MARILAO

0 18

Advertisers

Arestado sa manhunt operation, ng mga awtoridad sa Tibagan Brgy, Prenza 1 Marilao, ang isang garbage collector na top 2 most wanted na sangkot sa dalawang kaso ng statutory rape sa syudad ng Meycauayan.
Sa report ni PLt.Col. Jordan G Santiago kay OIC PNP Provincial Director PCol.Jay B. Baybayan kinilala ang suspek na si alyas Gani 28 anyos, Garbage Collector residente sa nabangit na barangay.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, 10;00 ng umaga Mayo 4 2026 ng isilbi ang warrant of arrest na may Criminal Case Numbers 1478-M-2026, 1479-M-2026, 1480-M-2026, 1481-M-2026, at 1482-M-2026 na inisyu ni Hon. Elenita N.E. Macatangay-Alviar, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121, Meycauayan City.
Nabatid na may dalawang bilang ng kasong Statutory Rape, walang inirekomendang piyansa habang tig-P120,000.00 sa bawat bilang para sa tatlong kasong Rape by Sexual Assault.
Matapos ang pag-aresto, agad na isinailalim sa dokumentasyon ang akusado para sa tamang disposisyon at turnover sa hukuman na naglabas ng warrant.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa Marilao Mumicipal Jail.(Thony D. Arcenal)