Advertisers
Ni Anne Venancio
Excited na ang mga RabGel fans sa bagong four-part anthology series ng kanilang idol na sina Rabin Angeles at Angela Muji sa Viva One Original na magsisimula sa May 15.
Layunin ng serye na ipakita ang versatility ng isa sa hit love team ngayon.
Sa unang episode na Ang Rider Kong Hoodlum, action thriller ang tema kung saan gaganap si Angela bilang si Celine, isang ordinaryong commuter na napasama sa isang krimen. Kasama niya si Rabin bilang motorcycle rider na si Marco na tumutulong sa kanya sa pagtakas. Dito, pinagsama ang aksyon at emosyon sa gitna ng matinding sitwasyon.
“We didn’t just treat it as an action project—it was survival mode acting,” ani Rabin. “Every scene required urgency, pero kailangan mo pa ring maramdaman yung emosyon sa pagitan ng characters.”
Dagdag pa ni Angela, naging hamon ang role dahil sa pisikal at mental na demands nito. “Kailangan mabilis mag-isip, mabilis kumilos, at magtiwala sa instincts. Hindi lang ito acting, parang real-time survival din,” aniya.
Sa ikalawang episode na Same Day Error, comedy naman ang genre kung saan si Rabin ay isang wedding videographer na laging napapahamak sa trabaho. Makakasama rito ni Rabin si Jerald Napoles.
Ibang karakter naman ang ginagampanan ni Angela sa kanyang bagong science fiction romance series na My CEO Thinks I’m a Robot, kung saan makakasama niya si Carlo Aquino.
Gaganap si Angela bilang si Aiko, isang tech developer na nagpapanggap bilang artificial intelligence assistant ng kanyang boss.
“Uncomfortably fascinating,” paglalarawan ni Angela sa karakter. “Si Aiko ay nagpapanggap na walang emosyon, pero siya pa ang nagiging pinaka-emotionally aware sa lahat. It made me question how much of ourselves we hide just to be accepted,” pahayag ni Angela.
Sa huling episode na Us, Maybe, muling magsasama ang dalawa sa kuwento tungkol sa healing at second chances.
Para sa kanila, malaking hakbang ang proyektong ito dahil hindi lamang nito pinapakita ang kanilang chemistry bilang love team kundi pati ang kanilang growth bilang aktor. Ayon kay Rabin, “We grew a lot in this project. One day action, next day comedy, next day drama—it stretches you.”