Advertisers
Mukhang ito na ngayon ang kalakaran sa sistema pulitikal sa ating bansa!? Nuong mga dekada 2000 ang bumulusok sa larangan ng lipunan ay ang paglago at pagyabong ng teknolohiya sa impormasyon — salamat sa karapatang Freedom of Speech na sa nakaraang 25 taon uminog ang karapatang ito na kaloob ng ating Saligang Batas at siyempre sa internet na libreng naghahatid ng saloobin ng bawat isa sa paraang dulot ng makabagong teknolohiya na dulot na rin ng pagpapaigting ng karapatang ito na nagsanhi ng ngayo’y Freedom of Information.
Maraming netizen ang ngayo’y Facebook, Instagram o Twitter ang behikulo na kanilang gamit upang ang saloobin — na dati’y nangingimi silang isiwalat — ay ngayo’y ladlaran na kung ibando, tutuo o mali maisambulat lang o maibando ang hanap ng panahon. Marami rin ang nagsamantala — kahit sabi ng admin ng mga free media outlets na ito “against community standard” nila, nakakalusot pa rin “and sees print?!”
Ang tri-media na siyang mother of present communication ay nasapawan na ng social media. Kahit anong higpit at sanction ang ipinatutupad sa larangang ito ng libreng komunikasyon ang kasinungalingan ay laging bumibida lalo pa’t may troll farm ang isang taong nasa pulitika o ginagawang hanap buhay ang pulitika. Ang kasinungalingan, sa paulit-ulit na ibinabando o nakikita sa digital print media ay kalimita’y nagiging tutuo na sa pandinig at pakiwari ng nakakabasa o nakakarinig nitong mali o baluktot na istorya o naratibong ito.
Malaki raw ang kita ng mga content creators o authors ng mga blogs at vlogs na kapansin-pansin ang limit ng turno ng kanilang paglawit sa digital print sa internet. Maging ito ay kasinungalingan o katotohanan man, ang bumabasa lang ang may “discernment” kung ano ang kanyang pakiwari — mali man sa iyo pero kung sa kanya ay tama ito, wala kang magagawa.
Karamihan ay kasinungalingan lalo pa’t pulitika ang pagbabatayan — maraming survey “daw” ang maagang naglalabas na ng kanilang mga “preference” daw na ang mga inilista nilang “presidentiables” daw ay tipong sa mga “winnables”!? Your guess is as good as mine, mga Koyang.
Malayo pa ang 2028 na halalan nasyunal ngunit ngayon pa lang ay umaasbok na ang tsiminiya ng mga kampo — take note… walang mananalo sa mga kampo ng party list sa dami ng kanilang resources na kumakapital sa kanilang paglaot sa pulitika!!! Siyempre pa, in the end — It’s payback time !!! Tama ba ko Koyang Noel?