Advertisers
WALA pang malinaw na kandidato si BBM para sa halalang pampanguluhan sa 2028. Bagaman tumaas kamakailan ang rating ni Raffy Tulfo sa isa o dalawang magkahiwalay na opinion poll, o survey, hindi nangangahulugan na siya na ang kandidato ni BBM. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagpili ni BBM ng mamanukin sa 2028. Kasama diyan ang batayan ng kanilang pagkakaisa. Ito ang pinakamahalaga.
Sa kalakaran ng pulitika na bansa, kailangan kaalyado ng nakaupong pangulo ang susunod na presidente. Una, ang susunod na pangulo ang magpapatuloy ng mga hindi natapos na gawain ng pangulong patapos ang termino. Nakita natin ito noong 2016. Nang nanalo si Gongdi, ibinasura ang mga magandang gnawa ni PNoy. Natalo kasi ang manok ni PNoy na si Mar Roxas.
Ikalawa, hindi nanaisin ng sinumang pangulo na bubulabugin siya ng iba’t ibang sakdal kapag natapos ang kanyang termino. Hangad niya ang proteksyon mula sa susunod na pangulo kaya kailangan kaalyado siya. Nangyari ito kay GMA. Hindi niya kakampi si PNoy. Nakulong siya sa buong termino ni PNoy.
Bagaman sikat si Raffy Tulfo dahil sa kanyang programa sa radyo kung saan nilulutas niya ang mga problema ng mga magjowa (asawa at kasintahan), may katanungan kung may kakayahan si Raffy na patakbuhin ang gobyerno. Hindi kasi siya humawak ng anumang puwesto sa gobyerno. Tanging sa radyo ang kanyang karanasan. Ito ang basehan ng kanyang kasikatan at panalo sa halalan ng 2022.
Maraming tanong sa kanyang paniniwala sa pulitika. Hindi alam kung totoong alagad siya ng demokrasya. Bagaman hindi siya kumontra kay BBM simula ng mahalal siyang mambabatas, hindi niya kinalaban si Gongdi at Misfit Sara. Malamig pa sa ilong ng pusa ang kanyang paninindigan kay Gongdi lalo na sa mga EJKs sa kanyang war on drugs at sa malawakang pandarambong sa kaban ng bayan ni Misfit Sara.
Sa maikli, hindi siya ganap na tumataya pagdating sa mga mainit na isyu. Playing safe ang laro ni Raffy. Nais niyang kunin ang constituency ni BBM at Misfit Sara, o iyong bumubuo sa dating Unity Team. May katwiran si Raffy dahil alam niya na hindi siya katanggap tanggap sa puwersang demokratiko o kahit sa Inferior Davao Group na maaaring magsubo ng ibang kandidato kapag na-disqualify si Misfit Sara sa 2028.
Samantala, hiningi ni Erwin Tulfo, nakababatang kapatid ni Raffy, sa mga survey firm na huwag isama ang kanilang pamilya sa mga survey. Walang Tulfo ang may balak na tumakbong sa panguluhan sa 2028. Sinabi ni Raffy na tatakbo lang siya sa reeleksyon sa 2028. Hindi namin alam kung magbabago ang isip ng sinuman sa magkapatid lalo kung patuloy na umunlad ang kanilang rating sa mga survey.
Hindi namin alam kung may mamanukin si BBM mula sa kanyang kasamahan sa Gabinete o sinuman sa kanyang mga kakampi sa Kongreso. Nandiyan sina Gibo Teodoro, Sonny Angara, at Ralph Recto sa kanyang Gabinete. Nandiyan sina Tito Sotto at kahit si Ping Lacson sa Senado. Mukhang walang napupusuan si BBM.
***
MAY batayan ang paniniwala na maaaring piliin ni BBM ang kanyang manok sa labas ng kanyang koalisyon, Gabinete at Kongreso. May espekulasyon na ito ang dahilan kung bakit nakipagbati si BBM sa puwersang demokratiko na sumuporta sa dating kalaban na si Leni Robredo noong 2022. Nakipagsunugan na siya ng tulay kay Misfit Sara at kahit sa kapatid na si Babs Marcos. Hindi na sila magbabati sa madaling panahon at isinumpa na siya ng puwersang sumusuporta sa Misfit. Tuloy-tuloy na ito.
Pero hindi kami naniniwala na si Leni ang mamanukin niya sa 2028. Alam niya na hindi buo ang loob ni Leni sa laban at mahilig itong magpakipot. Mahusay na community worker si Leni dahil malinis magtrabaho at may integridad. Pero hindi marunong si Leni ng estratehiya sa larangan ng pulitika. Alam ni BBM na pabago-bago ng isip si Leni at hindi maaasahan kapag nabulungan at mga sipsip at magaling mambuyo.
Hindi namin alam kung napupusuan ni BBM si Sonny Trillanes na dati niyang nakasama sa Senado. Pero si Trillanes ang isa sa mga unang pulitiko na nakaramdam at nakakita na may batayan na magkaisa ang puwersa ni BBM at ang puwersang demokratiko na kinakatawan nila ni Leni at Risa. Hindi malayo na manggagaling sa puwersang demokratiko ang maaari niyang manukin dahil may batayan na magkaisa ang mga puwersa kinatawan ni BBM at Risa at Leni.
***
HINDI namin binabasa si Franco Mabanta at anuman inilabas ng kanyang media outfit. Hindi namin kinikilala na lehitimong mamamahayag si Mabanta. Ang alam namin ay nagpapanggap lang na mamamahayag lang siya. Hao-siao o peke. Isa ito sa mga dahilan kung bakit walang suporta sa mga lehitimong organisasyon ng media si Mabanta.
Ang ipinagtataka namin ay dahil bataan siya ng mga Duterte, maaari niyang kunin ang pera sa kampo nila. Hindi namin alam kung bakit pinagdiskitaan si Martin Romualdez. At kung may totoong hawak silang investigative report laban kay Romualdez, bakit hindi nila nailabas? Puro lang siya palusot sa sakdal na inihain sa kanila. Fixer siya at hindi mamamahayag.
Magpasalamat na rin siya at hindi siya ipinapatay ni Martin. Kadalasan, pinapatay na lang ang mga ganyang extortionist sa larangan ng media. Kung susumahin ang gastos, mas makakatipid kung ipapatay na siya. Sa sandaling napatay, kakalimutan na lang siya at maituturing na hindi nangyari. Nangyari ang mga ganyang patayan sa maraming media personalities. Walang nangyari sa mga imbestigasyon. Kasama na diyan ang pagpaslang kay Percy Lapid.