Advertisers

Advertisers

ESKAPO: TRENDING SA PINAS…

0 6

Advertisers

Sa dami ng mga pugante na kasalukuyan may kina-kaharap na kaso, tinagurian na ng marami ang PINAS na bansa ng mga pugante na basta na lang nakakatakas palabas ng bansa.

Ang pag-eskapo ayon sa kanila ay karaniwang naga-ganap sa PINAS partikular na sa mga taong maraming pera at malakas ang koneksiyon.

Trending at viral ang tagpong ito hindi lamang dito kundi sa buong Mundo.

Ang mga puganteng ito ay hindi lang basta-bastang kaso ang kinakaharap kundi pawang mga capital offense tulad ng plunder at multiple murder.

Ilan sa mga personalidad na ito na nag-laho na lamang parang mga bula ay sina dating Congressman Arnie Teves, dating Spokesperson Harry Roque, Atong Ang, Congressman Zaldy Co at marami pang iba.

Maliban dito, ang iba sa mga ito ay tentative ngunit ngayon pa lang ay hindi mo na malaman kung nasaan.

Ang ating tinutukoy ay sina Senador Bato de la Rosa at dating National Bilibid Prison Director Gen. Gerald Bantag.

Bagamat hindi pa lumalabas ang warrant of arrest at red notice ni de la Rosa, hindi na ito mahagilap upang makapanayam at makamusta man lang.

Itong taong ito ay dating abala at halos araw-araw ay laman ng mga pahayagan, TV, radyo at social media nguni’t ngayon ay wala ng paramdam at balita, nandito pa kaya ito sa PINAS ?

Ano kaya ang dahilan kung bakit naka-kalusot at naka-kalabas pa ng bansa ang mga ito samantalang lahat na NG precaution ay ginawa na NG gobyerno tulad ng pagla-lagay sa mga ito sa “tight watch” at kabi-kabilang “hold departure order”.

Ilan eksperto ang nagsasabi na iba ang maga-gawa ng maraming pera… money talks ika nga.

Maliban sa Pera, siguradong marami pa rin itong koneksiyon sa mga makapangyarihan at ma-impluwensiyang MGA tao.

Wala mga namang imposible lalo na sa bilyonaryong si Atong Ang na inu-ugnay sa pag-patay sa higit-kumulang na 60 sabungero na nilibing na lamang sa lawa ng Taal sa Batangas.

Isa pang bilyonaryo na inuugnay naman sa Trilyong pisong nakawan sa Flood Control Project ng gobyerno ay si Congressman Zaldy Co.

Si Co ay sinasabing malapit kay Speaker Martin Romualdez at Pangulong BBM.

Intensional daw na huwag pabalikin dito sa PINAS si Co dahil marami daw itong alam at ibubulgar sa kasalukuyang administrasyon.

Siya ngayon ay nag-file ng asylum sa Isang bansa sa Europa.

Maga-gawa mo ba ang ganitong mga hakbang kung wala lang sapat na pera at koneksiyon, ‘di po ba?