Advertisers
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na inilagay na sa Lookout Bulletin Order (ILBO) si Senador Ronald dela Rosa.
Kasunod ito ng rekomendasyon ni Justice Secretary Fredderick Vida nitong Biyernes, Mayo 15.
Ipinaliwanag ni Vida na pinagbatayan nila sa ILBO ang valid na International Criminal Court (ICC) arrest warrant laban kay dela Rosa.
May pending request na rin umano ang Department of Justice (DOJ) mula sa ICC para sa pagsisilbi ng naturang warrant of arrest laban sa Senador.
Inaantay na lang ng DOJ na maglabas ng resolusyon ang Korte sa mosyon ni Dela Rosa.
Sakaling maresolba na ang lahat ng legal issues ay agad nilang ipapatupad ang arrest warrant laban kay Dela Rosa.
Sa ngayon ay may impormasyon na sila kung nasaan ang Senador.