Advertisers
IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., ang isang independent investigation kaugnay sa alegasyong may mga lokal na pulis na nag-escort sa isang itim na van na sinasabing sinasakyan ni Senador Ronald dela Rosa palabas ng Senate compound noong Mayo 14.
Ayon sa PNP, inatasan na ang mga imbestigador na suriin ang iba’t ibang ebidensya kabilang ang mga logbook, CCTV footage, radio dispatches, deployment logs, at body camera footage upang matukoy kung may naganap na hindi awtorisadong pagtulong mula sa mga pulis.
Layunin ng imbestigasyon na maberipika kung may paglabag sa umiiral na mga patakaran at kung may mga personnel na gumamit ng kapangyarihan o kagamitan ng pulisya nang walang kaukulang pahintulot.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang PNP hinggil sa naturang insidente habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.