Advertisers
Ni Anne Venancio
Binati ni Ruffa Gutierrez ang kanyang ex-boyfriend na si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa ika-58 kaarawan nito, kung saan nag-upload ang aktres ng video clip na makikitang nagbi-videoke ang dating alkalde.
Hiniling ng aktres ang patuloy na kaligayahan, tagumpay, at kasaganaan para sa dating karelasyon.
At kahit hiwalay na, nagpapasalamat aniya siya sa mga alaala at sa naging impluwensya ni Herbert sa kanyang buhay lalo na sa edukasyon.
“Life may have taken us on different paths, but I’ll forever be grateful for the memories,” aniya.
Nagsimula ang kanilang mas malalim na koneksyon sa isang proyekto noong 2020.