Advertisers

Advertisers

Ramilo nagtapos na 23rd sa FIG World tourney

0 5

Advertisers

ROME – Nilabanan ng Italy-based na Filipinang rhythmic gymnast na si Jasmine Althea Ramilo ang pananakit ng likod upang matapos sa ika-23 puwesto sa FIG World Challenge Cup sa Portimao, Portugal noong Mayo 15-17.

Ang 18-taong-gulang na gold medalist sa 2025 Southeast Asian Games ay nakakuha ng kabuuang iskor na 96.750 sa apat na aparato sa women’s individual all-around na kompetisyon.

Nakakuha siya ng 23.950 sa hoop, 20.700 sa ball, 26.400 sa clubs, at 25.700 sa ribbon, pinagtitibay ang kanyang lumalaking reputasyon bilang isa sa mga pinaka-promising na batang gymnast ng Pilipinas sa buong mundo.

Sinabi ng ina ni Ramilo, si Fhey, na nakatakda muling makipagkumpetensya si Jasmine sa Rhythmic Gymnastics Asian Championships sa Bishkek, Kyrgyzstan sa Mayo 23-26.

‘We are all happy about her accomplishment in Portimao World Challenge. Though she had back pain during the competition, she still gave her best to represent our country well,” Wika ni Fhey.

Sa ilalim ng kanyang coach,Claudia Mancinelli, nagwagi rin si Ramilo ng bronze medal sa Thailand SEA Games noong Disyembre nakaraang taon.