Advertisers
MULING pinatunayan ni Philippine Olympic Committee( POC) President Cong. Bambol Tolentino ang kanyang pormula kung paano manalo ang ating medal potential na atleta sa mga sinasabakan nating international sports events tampok sa Olympics, world championships. Asian Games at Southeast Asian Games.
Dahil sa lahat ng pakikibaka ng ating mga national athletes, laging personal na kinakalinga ni Bambol ang ating mga modernong bayani sa larangan ng sports.
Panalo man o bigo, pantay ang trato ng ating POC president na lalong nagpapataas ng moral ng ating mga pambato.
Tulad na lang nitong nakaraang Karate One Youth League Manila 2026 na nilahukan ng higit 800 na karatekas at 58 bansa mula sa buong mundo.
Ang sport na karate ay tunay na kailangan ang puspusang promosyon at marubdob na hatak sa tao upang panoorin ang naturang combat sport lalo pa’t sa MoA Arena ang venue.
Apat na araw sng prestihiyosong kaganapa pero ang atino mga pambato ay wala pang naipapanalong medalya para sa bansa hanggang sa last day ng kumpetisyon.
Mula sa inasikasong malaking kaganapan ay dumiretso sa MoA si Cong .Bambol upang i- cheer ang natitira nating karatekas.
Sa presensya ni POC prexy, sa venue sa pampinaleng yugto ,anim agad ang pumasok sa medal round.
Dalawa sng nakuntento sa bronze, dalawa din yang naka silver at tinampukan ito ng dalawang gold sa wakas ang naipanalo sa laki ng t uwa ng lahat ng entusyastiko sa larangan kabilang si acong. Bambol at PKSF president Richard Lim.
Ganyan b ang karisma n ni POC prexy Bambol sa ating mga atleta na presensya at kalinga lang ng sports leader ay ginto agad ang katumbas nito. Mabuhay ang ating Atletang Pilipino..HAPPY ALL CONG . BAMBOL!
Lowcut: Shoutout sa event expert na si tsokaran Mon Eusebio. Success ang iyong pagtimon sa Karate One Youth League sa MoA. Huwag mo na lang itoka sa ganyang klaseng event iyong ilang na- assign na mga naka- dilaw na tshirt lalo un dalawang mataba at unipormadong bantay sa entrance na ang gagaspang ng estilo lalo sa mga pumapasok na manonood lang.Wagas kung makasita sa tumatangkilik sa kaganapam na parang sa kanila ang event.
Sila yung mga nakadilaw na Milo volunteer na wala ding manners pagdating sa lunc, mismo!i