Advertisers
Kapwa nasawi ang isang barangay tanod at isang babaeng vendor pagbabarilin sa Brgy. Emmanuel Bergado 1, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang mga biktima na si Rody, 51-anyos, barangay tanod; at Annalinda, 48-anyos, vendor, at kapwa residente ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, 9:00 ng umaga nitong Lunes, Mayo 18, naglalakad umano ang tanod upang bumili ng pagkain nang sundan at pagbabarilin ng salarin na armado ng hindi pa natutukoy na kalibre ng armas.
Nadamay at nahagip naman ng mga ligaw na bala si Annalinda na nagtitinda lamang sa lugar.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang salarin dala ang ginamit na armas.
Patuloy ang isinasagawang dragnet operation ng pulisya, pangangalap ng CCTV footage sa lugar, pakikipag-ugnayan sa mga saksi at koordinasyon sa SOCO para sa masusing imbestigasyon at pagkakakilanlan ng mga suspek.(Koi Laura)