Advertisers
Sinibak sa puwesto si Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) Education Minister Mohagher Iqbal bilang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) matapos ang special audit report ng Commission on Audit (COA) dahil sa umano’y pagbili ng P2.2 bilyong halaga ng education at training materials.
Base sa 2-pahinang sulat ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua noong May 11, 2026 inutusan ni Macacua si Iqbal na agad magsumite ng kanyang irevocable resignation at kapag hindi sumunod ay ituturing na itong kusang nagbitiw sa puwesto.
Sinabi ni Macacua, kabilang sa audit findings ng Commission on Audit (COA) sa MBHTE procurements base sa isinagawa ng special audit. Hindi umano nagpataw ng Liquidated Damages (LD) na nagkakahalaga ng P1.06 milyon ang MBHTE sa pagka delay ng 520 araw sa paghatid ng mga proyektong nagkakahalaga ng P30.9 milyon para sa small armchairs for primary school learners. Ito umano ay labag sa section 68 and Item 3 ng 2016 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 9184, 9184 at ng Item IV (8) ng naturang mga kontrata sa supplier.
Ayon pa sa ulat na may 53 mga kontrata din na nagkakahalaga ng P1.95 bilyon and inaward ng MBHTE sa kabila ng material defects sa proseso ng procurement. At dahil din sa late posting ng PS ng bidders sa mga naturang proyekto, hindi nakakasiguro ang ahensiya ng “faithful performance of the suppliers’ contractual obligations” sa panahon na isinagawa ang naturang mga kontrata.
Dagdag pa nito, may 73 disbursement vouchers (DVs) na may kabuuang halagang P2.24 milyon ang ginawa at ibinayad ng buo sa supplier base lamang sa mga were processed certifications ng MBHTE officials at employees sa kabila ng kakulangan ng mga kailangang dokumento.
Sinabi ni Macacua na nag-isyu na ng mga initial notice of disallowance ang COA laban sa mga transaksiyong ito at inaasahang mayroon pang darating na iba pang disallowances.
“In view of these, and given the gravity of the findings and the enormity of the amount involved, we are of the considered view that the gains of good and moral governance enunciated by the former Chief Minister and which we are currently pursuing are in serious jeopardy,” ayon sa liham ni Macacua. (Boy Celario)