Advertisers

Advertisers

Comelec nagbabala sa premature campaining para sa BSKE

0 5

Advertisers

MAHIGPIT na nagbabala si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia laban sa mga kandidatong masasangkot sa premature campaigning para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mahaharap sa kaukulang parusa.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang mga maghahain ng kanilang kandidatura mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5 ay ituturing ng mga kandidato bago pa man ang pagsisimula ng panahon ng pangangampanya sa Oktubre 22, 2026, sa ilalim ng manual election.

Sa automated elections naman, ang mga aspirant ay ituturing na kandidato pa lamang sa simula ng panahon ng kampaniya.



Kayat, ayon kay Garcia, ang mga kandidatong maghahain na ng kandidatura sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 5 at makikitang nangangampaniya, kakasuhan ang mga ito ng pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon at diskwalipikasyon na humawak ng posisyon sa gobyerno.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">