Advertisers

Advertisers

Higit 10 Senate personnel ‘no show’ sa imbestigasyon ng CIDG ukol sa Senate shooting

0 6

Advertisers

BIGONG dumalo sa imbestigasyon nitong Miyerkules ang mahigit sampung personnel ng Senado na ipinatawag kaugnay ng nangyaring pamamaril sa loob mismo ng Senado noong gabi ng Mayo 13.

Nauna na ngang napaulat na isinilbi ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang mga subpoena sa mga naturang staff nitong Martes ng hapon.

Kinumpirma rin ni CIDG Director Major General Robert Alexander Morico II na mahigit 10 empleyado ang saklaw ng kautusan.



Bagama’t hindi pinangalanan ang mga ito, sinabi ni Morico na nagpadala ng opisyal na liham ang mga personnel upang ipaliwanag ang kanilang pagliban.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">