“Pop Rock Diva” Rozz Daniels Magko-Concert Para Sa Charity Show Ni Benny Andaya Sa D’Malate Cafe Ngayong May 23
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Rozz Daniels, is a type of Artist na likas ng mapagmahal at matulungin. Kaya nang alukin si Rozz ng manager at kaibigan na si Direk Benny Andaya para pangunahan ang Charity show nito na for the benefit of his “Balik Eskwela Program” na 20 yrs ng ginagawa at adbokasiya ni Benny sa kanyang hometown sa Masbate. Agad na napa oo at napapayag ni Benny ang alagang si Rozz.
“My calling is to entertain and help this kind of Charity.
“At dahil sa magandang benefit ng “Balik Eskwela Program Charity” by Benny Padongao-Andaya ay napa-say ako ng Big “YES” with no hesitation to do this Mini-Concert! At alam ko rin na many children can gets school supplies this school year in June,” say pa ng tinaguriang Pop Rock Diva of the Philippines na si Rozz. At pag-iimbita pa nito,
“So join us this mini-concert on May 23 Saturday, at 7:00.PM at D’ Malate Cafe & Restobar in Mabini, Malate Manila infront of Sogo Hotel. And let’s give hope these children.” Rozz said. At para makatulong agad sa project na ito ni Benny ay bumili si Rozz ng 10 tickets worth P10K. Bukod pa diyan ay sasamahan ni Rozz and her american husband Sir David si Andaya sa pag-uwi nito sa Masbate sa May 27. Tutulong ang sweet couple na mag-distribute ng bags, notebooka, pencils ballpens, at crayons sa mga daan-daang mahihirap na estudyante sa Masbate. At aaliwin at kakantahan pa sila ni Rozz ng 2026 version nito ng “Bulong Ng Damdamin” na composed ng kaibigan nitong icon composer na si Doc Mon Del Rosario. Alam ni Rozz, na marami silang mapapasayang mga bata ni Benny sa araw na ito.
Going back, sa gagawing Mini-Concert sa D’ Malate Cafe ay 20 to 25 songs raw ang kakantahin ni Rozz at kasama rito ang revival niya ng Bulong Ng Damdamin. At magbibigay pugay rin si Rozz sa namayapang canadian singer of 60’s na si Claudine Longet. Kakantahin ni Rozz ang isa sa mga hits nito na “Both Sides Now.” Ang manager na si Benny Andaya ang magdi-direk ng kanyang Charity Concert at may mga special guests siya sa show. Bale 500 pesos, ang ticket price sa said event. This is exciting to watch!