Advertisers
NAGBABALA ang Department of Justice (DOJ) sa mga tutulong kay Senador Bato Dela Rosa na maaari silang maharap sa kaso.
Kasunod ito ng utos ng kagawaran na ipatupad na ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador bilang co-perpetrator o kasabwat sa war on drugs na inilunsad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, may kaakibat na parusa sa sinumang mapapatunayang tumutulong kay Bato para magtago sa batas.
Samantala, kinumpirma rin ng kalihim na may mga lead na sila sa pinagtataguan ni Dela Rosa pero tumanggi na itong magbigay ng iba pang detalye.