Advertisers

Advertisers

Ayaw ko sa kurakot, gusto ko si Caracut!

0 2

Advertisers

Noong dinaig ng Rain Or Shine ang San Muguel Beer para pumasok sa semis ng PBA Commissioner’s Cup ay nagbida si Andrei Caracut ng Elasto Painters.

Sinasabing super ganado ang produkto ng San Beda at La Salle dahil nandoon sa venue ang girlfriend na si Bella Belen ng Capital 1 sa PVL.

May mga lumabas pa sa social media na may hawak na malikhaing poster ang volleybelle.

Sa naturang post ay nakasulat ang ganire-

Ayaw ko sa kurakot, Gusto ko kay Caracut.

Maraming natuwa dahil nadale ng pahayag ang dalawang bagay. Nakapaghayag ng pag-ibig sa syota habang nabanatan ang mga kurap sa gobyerno.

May ilan ang nagsabi na AI- generated lang ito.

Nguni’t para kay Pepeng Kirat totoo man o hindi ay maganda ang mensahe sa publiko.

Dapat nga naman may pakialam tayo sa nangyayaring katiwalian sa pamahalaan. Tapos klik pa sa tao kasi tugma sa bigkas ang kurakot at Caracut. Hehe.

***

Kabi-kabila ang mga send -off ng mga iba’t ibang bayan sa mga atleta nilang kalahok sa magsisimula sa ika-24 na Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.

18 na rehiyon at dalawa pang delegasyon (;National Sports Academy at Association of Philippine Schools Overseas) ang paparada bukas sa Patin-ay Sports Complex

Hanggang sa ika-31 ng Mayo ang taunang paligsahan ng mga pinakapiling manlalaro sa buong bansa.

Mapanatili kaya ng National Capita Region ang korona o maagaw ng mga karibal nito na Calabarzon o Western Visayas?

***

Si Solicitor-General Darlene Berberabe ay hinangaan ng balana sa sagot ng OSG sa Korte Suprema hinggil sa hiling ng TRO ni Sen Bato de la Rosa.

Dating asawa ng basketball legend na si Samboy Lim si Darlene.

Ang batikang abogado na galing sa isang pamilya sa Batangas na may mahabang karanasan sa politika.

Noon siya ay pinuno ng Pag-Ibig Fund at Dean ng UP College of Law.

Anak nila ng cage superstar ang karateka na kampeong si.Jamie Christine Lim. Naging courtside reporter din ang 29 an?os na dalaga

Silang mag-ina ang nag-alaga nang maging baldado si Skywalker hanggang sa binawian ng buhay.