Advertisers
Ni Anne Venancio
Mas batang hitsura at bagong porma ang humarap na Rico Blanco sa media conference ng pelikulang ‘Project Baby’ ng Regal Entertainment.
Aminado si Rico na matagal na niyang hilig ang pag-arte na may pagkakahawig ng artistic interest niya sa music, painting, at photography.
At kung bakit niya tinanggap ang proyekto? “Ang gusto ko sa acting, may moments na hindi mo na mauulit kasama ang mga co-actors at production team. Kapag nagawa na, mananatili na iyon forever,” ani Rico.
Aminado rin ang musician na nakaramdam siya ng matinding kaba nang alukin siyang maging lead actor sa pelikula sa edad na 53 dahil hindi niya ito inaasahan. “Mas kinakabahan ako rito kaysa major concert dahil bihira ko itong gawin. Hindi ko ito pinangarap noon pero nangyayari siya ngayon kaya sobrang grateful ako,” saad niya.