Advertisers
Ni Anne Venancio
Hindi pinapatulan ni Fyang Smith ang mga bashers sa social media, lalo na kung wala namang basehan ang mga ito para protektahan ang kanyang peace of mind.
Aniya, “I don’t deal with them. Go with the flow na lang. Kasi yung mga sinasabi naman nila, walang katuturan. I know myself better than them.”
Sinang-ayunan din ni JM ang pananaw na mas mabuting huwag nang patulan ang mga bashers dahil mas lalo lamang umano itong lumalaki kapag pinapansin.
Nilinaw naman ni Fyang na may hangganan din ang kanyang pasensya, lalo na kapag nadadamay na ang kanyang pamilya.
Inamin din ng aktres na mas nag-mature na siya mula noong kanyang Pinoy Big Brother days at mas maingat na siya ngayon sa kanyang mga salita at kilos.