Advertisers

Advertisers

NUMERO 33 BLESSINGS KAY ALAN CAYETANO?

0 11,403

Advertisers

Sa isang fb page post ng BOOM.BALITA ay totoo kaya ang mga isinisimbulo ng numero 33 na timiyempo naman kay ALAN PETER SCHRAMM CAYETANO dahil siya ang naging 33rd SENATE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES?

Ayon sa naturang fb page.., kung pagbabatayan ang aspeto ng NUMEROLOGY.., ay itinuturing ang numerong 33 na sagrado at makabuluhang numerong pang-espirituwal sa halip na isang “malas” na pamahiin.

Dahil diyan ay sadyang naitadhana si ATTY. ALAN PETER SCHRAMM CAYETANO bilang 33rd SENATE PRESIDENT Boom.., yan ay upang magampanan aniya ang propesiyang MASTER TEACHER o MASTER HEALER batay sa isinisimbulo ng numero 33 sa hanay ng NUMEROLOGY, ASTROLOGY at maging sa aspetong ESPERITUWAL.

Gayunman, hindi pa man siya nagtatagal bilang SENATE PRESIDENT dahil nitong May 11, 2026 lamang siya nahalal sa botong 13-11 na ikinatanggal ni VICINTE “TITO’ SOTTO ay may umuugong na mga pagtatangkang mapalitan siya sa posisyon.., e hindi na mababago o mabubura ang talaan na siya ang pang-33rd SENATE PRESIDENT na magsasakatuparan umano sa kung ano ang isinisimbulo ng numerong 33.

Si CAYETANO na isang ATTORNEY, POLITICIAN at dating DIPLOMAT ay nagpahayag nitong nagdaang araw sa kaniyang fb post ng litanyang.., “let us allow ourselves to be used by GOD according to HIS plans and purpose.”

Ating intindihin ang ipinost nito sa kaniyang fb account na.., “let us allow ourselves to be used by GOD. .” ay maiuugnay ito sa pananampalatayang CHRISTIAN dahil nakabatay ito sa buhay ni JESUS CHRIST na ayon sa paniniwala ay gumawa ng 33 MIRACLES at ipinako ito sa krus sa edad na 33.

Sa pananampalatayang ISLAM naman ay karaniwang may 33 sets ang ISLAMIC PRAYER BEADS at pinaniniwalaan sa kanilang tradisyon na ang mga naninirahan sa paraiso ay mananatiling edad 33-taong gulang lamang magpakailanman.

Sa pananampalatayang JUDAISM.., ang numerong 33 ay napakahalagang papel sa KABBALAH na isang sinaunang ESOTERIC SCHOOL OF THOUGHT sa JEWISH MYSTICISM, dahil ang layunin nito ay maunawaan ang MYSTERIOUS ESSENCE OF GOD at maipalaiwanag ang koneksiyon sa pagitan ng INFINITE CREATOR sa FINITE UNIVERSE.., gayundin ito ay napakahalagang bahagi sa JEWISH FAITH HOLIDAY o ang LAG BA’OMER o LAG BA’OMER o LAG LAOMER na ipinagdiriwang tuwing 33rd day sa COUNTING OF THE OMER at ito ay naganap sa 18th day ng HEBREW MONTH OF IYAR dahil ang salot na kumitil sa 24,000 RABBI AKIVA’S STUDENTS ay nagtapos sa LAG BAOMER.

Sa MASONIC SYMBOL naman ng FREEMASONRY ay ang 33rd DEGREE ang pinakamataas na HONORARY DEGREE na makakamit sa SCOTTISH RITE.., ito ay sumisimbulo sa tugatog ng karunungan at pamumuno.., na ang mga ito ang magiging taglay ni ATTY. ALAN PETER CAYETANO bilang 33rd SENATE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES!

Paniwalaan man natin o hindi ang inilathala ng BOOM BALITA ay sasalig na ito sa magiging performance ni CAYETANO na itinuturing na matapang sa mga isyung legalidad sa aspetong governance.., kung siya nga ang sasagisag sa nasabing numero e BLESSINGS ANG
NUMERO 33 KAY ALAN CAYETANO at masasaksihan ang kaniyang pagiging MASTER TEACHER o MASTER HEALER na magwawasto sa mga isyung kinakaharap at kakaharapin ng SENATE!

—000—

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.