Advertisers

Advertisers

Marcoleta, kakasuhan ng plunder dahil sa P75-M campaign contributions; pandarambong na pala sa kaban ng bayan ang donasyon?

0 4

Advertisers

Iginiit ni Senador Rodante Marcoleta na may layuning patahimikin siya sa kaniyang mga pagbubunyag tungkol sa umano’y anomalya sa flood control projects at sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang kinahaharap niyang reklamong plunder at indirect bribery.

Sa kaniyang privilege speech sa Senado, sinabi ni Marcoleta na ang mga kasong isinampa laban sa kaniya at sa ilang kaibigan ay hindi lamang simpleng legal na usapin kundi bahagi umano ng mas malalim na plano upang takutin sila.

Ayon sa senador, hindi siya matitinag o mapapatahimik ng mga reklamong inihain laban sa kaniya.

Kaugnay ito ng imbestigasyon ng Field Investigation Bureau ng Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y pagtanggap niya ng P75 million mula sa tatlong indibidwal noong Enero 2025, noong siya ay kongresista pa lamang

Batay sa imbestigasyon, inamin umano ni Marcoleta sa Commission on Elections (Comelec) na natanggap niya ang naturang halaga. Ayon pa sa Ombudsman, hindi maituturing na simpleng donasyon ang malaking halaga kundi posibleng kapalit ng pabor mula sa senador.

Inakusahan din si Marcoleta na hindi umano niya idineklara ang naturang pera sa kaniyang 2025 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sinabi naman ng senador na sasagutin niya ang mga alegasyon sa tamang legal forum.

Sa kaniyang talumpati, binanggit pa ni Marcoleta si Ombudsman Jesus Crispin Remulla at inakusahan ang ilang opisyal na kayang “baluktutin” ang batas upang gipitin siya.

Samantala, kabilang si Marcoleta sa walong senador ng majority bloc na nahaharap din umano sa iba’t ibang reklamo, kaso, o imbestigasyon.

Kabilang dito sina Senador Ronald dela Rosa at Bong Go na iniuugnay sa crimes against humanity case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.

Iniimbestigahan din umano si Senador Francis Escudero kaugnay ng flood control controversy, habang inirekomenda naman ng Department of Justice na sampahan ng plunder at graft si Senador Jinggoy Estrada.

Kasama rin sa mga iniimbestigahan sina Senador Joel Villanueva at magkapatid na sina Mark Villar at Camille Villar kaugnay ng iba’t ibang alegasyon.

Nauna nang sinabi ni Senadora Imee Marcos na may umano’y mga pagbabanta laban sa ilang miyembro ng majority bloc upang lumipat sa minority at mabawi ang liderato sa Senado.

Nakakatawa dahil sa campaign contributions pandarambong na pala sa kaban ng bayan ang donasyon?

***

Anumang reaksyon osuhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com