Advertisers

Advertisers

Negros Island nangunguna sa talaan ng medalya sa Palarong Pambansa

0 7

Advertisers

PINAGDIRIWANG ng Negros Island Region (NIR) ang kanilang unang gintong medalya habang nangunguna ito sa talaan ng kasalukuyang ika-66 Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.

Ang bahagya at opi-syal na kabuuang tala para sa regular na palakasan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa ika-9 ng umaga ng Martes ay nagpapakita na nangunguna ang NIR, na may apat na ginto, isang pilak, I at isang tanso sa athletics na ginaganap sa D.O. Plaza Government Center Sports Complex sa ba-yan ng Prosperidad.

Ang NIR, na binubuo ng Negros Occidental, Negros Oriental, Si-quijor at Lungsod ng Bacolod, ay nakipagkompetensya sa unang pagkakataon bilang Visayan Vipers matapos itong malikha sa pa-mamagitan ng Republic Act 12000 noong 2024.

Si Marjen Iwayan, isang mag-aaral sa Vito Elementary School sa Lungsod ng Sagay sa Negros Occidental, ay naghatid ng unang gintong medalya ng rehiyon sa elementaryang babae sa javelin throw noong Lunes.

Kasunod ng tagumpay ni Iwayan ay isa pang atleta mula sa Lungsod ng Sagay, si Jonel Metoda Jr. ng Felomino Pascual Elementary School, na namayani sa elementary boys javelin throw.

Ang gintong medalya sa secondary girls javelin throw ay napunta kay Christine Rose Toquero ng Escalante National High School sa Lungsod ng Escalante, Negros Occidental.

Si Ashley Nicole Silvor, isang mag-aaral ng Tipolo-Cabandungga Elementary School sa La Castellana, Negros Occidental, ang nakamit ng ginto sa 400-metrong takbuhan ng mga batang babae sa elementarya.

Si Rajib Ash Catenza mula sa Rodolfo A. Medel Sr. Elementary School sa Lungsod ng Bacolod ang umani ng pilak sa 110-metrong harangang pang-estudyante sa elementarya.