Advertisers

Advertisers

71M REGULAR VOTERS PARA SA BSKE 2026, NAITALA NG COMELEC

0 3

Advertisers

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na umaabot na sa 71 milyon ang bilang ng regular voters na inaasahang boboto para sa November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay Garcia, ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 68 milyong regular voters lamang na naitala noong 2025 National and Local Elections (NLE).

Aniya, ang pagtaas ng bilang ng mga botante ay kasunod na rin nang idinaos nilang pitong buwang voter registration para sa BSKE 2026.

Kasabay niyan ay iniulat rin ni Garcia na nasa 25 milyon na rin ang registered Sangguniang Kabataan (SK) voters sa bansa.

“More or less kung dati-rati noong 2025 elections ay meron tayong 68 million na botante na regular. Ngayon po meron tayong mga more or less 71 million na regular na mga botante. Ang Sangguniang Kabataan po ay 25 million,” saad niya.

Matatandaan na noong Mayo 18, 2026 ay pormal nang nagtapos ang voter registration na sinimulan ng Comelec noong Oktubre 20, 2025 para sa BSKE 2026, kung kailan nakapagrehistro sila ng nasa 5.6 milyong botante.

Plano umano ng Comelec na na magdaos muli ng panibagong voter registration sa Pebrero 2027 o bago ang pagdaraos ng 2028 presidential polls, ayon kay Garcia. (JERRY TAN)