Advertisers
SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang tirahan sa Barangay Balibago, Angeles City umaga ng Miyerkules, kaugnay ng ma-lawakang manhunt operation laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon sa ulat ng intelligence, pinaniniwalaang isa ang naturang bahay sa mga posibleng pinagtataguan ng senador.
Napag-alaman na pagmamay-ari ng tiyuhin ng kapwa niya mambabatas, Senador Robin Padilla, ang nasabing bahay sa isang subdibisyon.
Ayon kay Barangay Balibago chairman Joseph Ponce, nagsimula ang operasyon 6:00 ng umaga.
Hindi nakita ng mga awtoridad si Dela Rosa sa lugar nguni’t nakita ang mga sasak-yan na iniuugnay sa senador.
Isinasagawa ang operasyon upang isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa. Nahaharap ang dating pinuno ng pambansang pulisya sa mga ser-yosong akusasyon ng ‘crimes against humanity’ na nag-ugat sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga o war on drugs sa nakaraang administrasyong Duterte.
Kasunod nito, muling nagpalabas ng mahigpit na babala ang CIDG para sa publiko at sa mga tagasuporta ng mambabatas na kung sinumang mapatutunayang nagpapa-tuloy, nagtatago, o tumutulong sa senador habang umiiral ang warrant, mahaharap sa kaukulang parusa sa ilalim ng batas, ‘obstruction of justice’.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang resulta ng raid at kung may iba pang mga lugar na target na galugarin sa mga susunod na araw habang patuloy ang paghahanap kay Dela Rosa.