Advertisers

Advertisers

Barbie pumiyok na ginagaya si Sarah

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

May mga katkatera at sawsawera na nakapansin noon na magkamukha sina Barbie Imperial at Sarah Lahbati.

Bago pa kasi ma-link si Barbie sa ex na si Sarah na si Richard Gutierrez ay medyo low profile pa ito sa social media.

Pero after ng hiwalayan nina Sarah at Richard at ma-involve na aktres sa huli ay naging maingay na ang pangalan ni Barbie.

Katunayan may mga basher noon na iniisyung ginagaya ni Barbie si Sarah maging sa pananamit.

Pakiwari kasi ng kibitzers, nahuli ni Barbie ang kiliti ni Richard pagdating sa babae na una niyang nakita sa dating wifey.

Recently, hindi na naman tinantanan ng kanyang detractors si Barbie sa recent post nito kung saan nag-promote ito ng isang brand ng kotse.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ang kaso, napansin din ng mga pa-savage na may post din pala si Sarah ng kanyang ini-endorsong kotse.

May mga nagmamahadera na nag-react sa post ni Sarah kung saan iniintriga ito kay Barbie.

Reaksyon ng ilang followers ni Sarah sa kanyang post.

“Nag post na din yung isa ng kotse nya wahahahahahhaha mas classy ka parin queen Sarah”
“Nag post din yung isa ng car totoo talaga ang Kasabihan na you can’t buy Class”
“Someone on the other side posted her car as well. LOL”
Sa post naman ni Barbie, ito naman ang reaksyon ng ilang nagmamaldita.
“Gaya gaya. nag flex lang si Sarah nag flex kna din.”
“Sarah Lahbati idol ka nito ginaya kasi mga post mo..”
“Sabi nanga ba gaya gaya talaga to e”

Pumiyok naman si Barbie sa pamba-bash sa kanya ng netizens.

Sey niya:”I was paid to post this Ridemax. I had my other car last year pa. This was shot last month pa and I was told to post this pic this week. I think Im allowed naman to post my car sponsorships.. wag issue. ”

Ibig niyang sabihin, hindi dapat silang gawan ng isyu ni Sarah.