Advertisers

Advertisers

MIMAROPA PNP REGIONAL DIRECTOR, KALADKAD AGAD SA SUGAL?

0 6

Advertisers

ILANG lingo pa lamang na nakaupo bilang Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA si PBGEN Christopher Dela Cruz ay nangongolekta na agad ng “goodwill money” ng ilang police scalawag sa mga bigtime na operator ng pergalan (Perya-sugalan) sa lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro.

Tila madudungisan pa yata ang malinis na record ni General Dela Cruz na kilala sa matuwid na pmumuno.

Ang masaklap, walang kamalay-malay ang bagong RD sa modus ng mga aktibong sarhentong pulis na protector ng mga pinagpipiyestahan sugal sa perya tulad ng “color games at drop ball baraha” na kapustahan ng mga iligalista na sangkot din ang ilan sa kalakalan ng droga sa nasabing mga lalawigan.

Hanggat hindi pinasasara ni Gen. Dela Cruz ang mga salot at perwisyong sugal sa perya lalawigan ni Governor Ed Gadiano at Governor Bonz Dolor ay hindi rin titigil sa pangongolekta ng “goodwill” at “lingguhang intelihensya” sina Sgt. Manalo, Sgt. Leynes, Sgt. Guco at Sgt, Nonoy ganon din ang kolektong ng S2 na si Sgt. Raymond.

Dapat kapunin ni Gen. Dela Cruz ang mga KOLEKTONG na aktibong pulis na naka talaga sa Camp Efigenio Navarro at Police Provincial Office.

Dahil sila lang naman ang “kapustahan” at nagbibigay proteksyon kapalit ang “goodwill money” na halagang 300k diumano pataas sa mga bigtime na operator ng pergalan sa 11 bayan sa Occidental Mindoro at 15 bayan naman sa Oriental Mindoro na inaabot ng ala una ng madaling araw ang “gambling operation”.

Parang kabute na naglipana ang nasa higit 200-mesa ng “color games at drop ball baraha” sa mga liblib na barangay at poblacion ng bayan ng Bulalacao, Pola, Socorro, Pinamalayan, Mansalay, Bansud, Bongabong, Roxas, Gloria, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera at Calapan, Oriental Mindoro.

Lantad din ang presensya ng mga sugalang ito sa mga kasulok-sulukan at mga bayan ng Sablayan, Calintaan, Looc, Abra de Ilog, Magsaysay, Lubang, Paluan, San Jose, Santa Cruz, Rizal at Mamburao, Occidental Mindoro.

Ang tanong, kaya ba talagang ipatigil ni Gen. Dela Cruz ang malawakang operasyon ng mga salot na sugal na pino-protektahan din ng ilang maimpluwensiyang pulitiko?

Sana naman hindi matulad ang bagong PRO MIMAROPA Regional Director Police Brigadier General Christopher Dela Cruz sa dating Regional Director PBGen. Jovencio Badua na nasibal dahil sa pagpapabaya at pagiging inutil?

Wag sanang magbulag-bulagan si Gen. Dela Cruz sa reklamo ng mamamayan na napeperwisyo sa mahimbing nilang tulog sa gabi dahil sa ingay ng mga nagsusugal.

Isang text message naman ang ating natanggap mula sa ayaw magpakilalang texter. Aniya, na nag courtesy call umano sa tanggapan ng bagong RD ang isang bigtime na gambling operator na taga Occidental Mindoro at ilang maimpluwensiyang pulitiko na nasa druglist ng dating Duterte administration na sangkot din sa illegal vices sa Oriental Mindoro subalit hindi nita maklaro kung nagbago na ito?

Subaybayan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com